Connect with us

Silakbo ng mga magsasaka, sinakyan ng makakaliwang grupo sa Brgy. Tinang – Mayor Villanueva

Silakbo ng mga magsasaka, sinakyan ng makakaliwang grupo sa Brgy. Tinang – Mayor Villanueva

Regional

Silakbo ng mga magsasaka, sinakyan ng makakaliwang grupo sa Brgy. Tinang – Mayor Villanueva

Sinakyan ng makakaliwang grupo ang galit ng mga nagre-rebeldeng magsasaka kaya nagkaroon ng kaguluhan sa taniman ng tubo sa Barangay Tinang.

Ito ang ikinuwento ni newly-elected mayor ng Concepcion, Tarlac na si Hon. Noel Villanueva sa panayam ng Sonshine Radio.

Aniya pa, nagkunwaring mga magsasaka ang mga miyembro ng makakaliwa na nanggaling sa iba’t-ibang lugar.

No description available.

“Talagang malinaw na malinaw na inudyukan itong magsasaka na nagkukunwaring magsasaka na taga sa amin na magkaroon ng kaguluhan. Ayon po sa report ng kapulisan, karamihan sa mga ito ay miyembro ng Anak-Pawis, miyembro ng Anak-Bayan, miyembro ng Kabataan Party-List, miyebro ng iba’t-ibang magsasakang organisasyon katulad ng Alyansang Magbubukid ng Gitnang Luzon, at marami pa pong iba’t ibang organisasyon na sumuporta sa mga ito na nangagaling sa iba’t-ibang lugar,” ani Mayor Villanueva.

Aniya pa, ang iba sa mga inaresto ay mga estudyante, mga aktibista at mga taga-suporta ng mga magsasaka na inalis na sa listahan ng mga benipisyaryo at hindi rin miyemebro ng kooperatiba na namamahala sa taniman ng tubo sa barangay tinang.

Paliwanag pa ni Mayor Villanueva, hindi rin magsasaka ang namumuno sa mga nagrerebeldeng magsasaka na si Felino Cunanan Jr. na nagtrabaho bilang maintainance worker ng Voice of America Transmitter Facility noong 1988 hanggang 2001.

Sa ngayon, nananawagan si Mayor Villanueva na hayaan ang mga magsasaka na ayusin ang gusot at huwag paki-alaman ng mga maka-kaliwang grupo dahil hindi nila alam ang tunay na kasaysayan sa lupain.

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top