National News
Silent drill araw-araw, ipinag-utos ni Pang. Duterte sa mga sundalo at pulis
Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo at pulis na magsagawa ng silent drill araw-araw gaya ng China.
Sa Change of Command Ceremony ng Presidential Security Group (PSG) sa Malacañang kahapon, sinabi ng pangulo na ang military drills ay nagbibigay ng sense of security sa publiko.
Nag-alok din ang presidente ng hanggang P3,000,000 premyo sa final silent drill competition sa Disyembre.
Samantala, pinaalalahanan ni Pang. Duterte ang PSG na maging tapat lamang sa bandila ng Pilipinas at wala nang iba.
Payo nito sa mga opisyal na hindi dapat sa kanya ialay ang kanilang katapatan kahit na pangunahing trabaho ng mga ito ay siguruhin ang kanyang kaligtasan at ng kanyang pamilya.
Kahapon nang pinangunahan ng pangulo ang hand-over ng command symbol sa bagong hepe ng PSG na si Col. Jesus Durante III mula kay outgoing PSG Chief Brigadier General Jose Eriel Niembra.
