National News
SIM Registration Act, dapat nang amyendahan– DICT
Mismong ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang mangunguna sa pagpupurisigi na amyendahan ang SIM Registration Act.
Isa sa mga aspetong nais nilang magawan ng paraan ay ang mapigilan ang paggamit ng artificial intelligence (AI) tuwing magpaparehistro ng SIM lalong-lalo na kung bulto-bulto.
Nais din nilang malimitahan na nga ang mga SIM na maaaring iparehistro ng isang tao.
Ang mungkahi ng ahensya ay bunga sa mga raid na isinagawa kung saan daan-daang pre-registered SIM cards ang nadidiskubre sa mga tinaguriang scam hubs.
Sa ngayon na hindi pa naamyendahan ang batas ay tiniyak ng DICT na patuloy nilang minomonitor ang bulto-bultong pagpaparehistro ng SIM cards.