National News
SIM Registration Law, iminungkahing amyendahan na
Iminungkahi ni Sen. Sherwin Gatchalian na amyendahan na ang SIM Registration Law.
Ito’y dahil nananatili paring ginagamit ang mga registered SIM sa mga panloloko gaya nalang sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGOs).
Isa sa ninanais na pagbabago ni Gatchalian ay ang pagkakaroon ng limitasyon sa bilang ng SIM na maaaring iparehistro ng isang user.
Mainam rin aniya na magkaroon ng regulasyon sa short message service o SMS marketing at promotional, political o fundraising gamit ang SIM.