Connect with us

Simulation exercise sa BuCor kaugnay sa pagpapahubad sa mga dalaw sa NBP, posibleng isagawa ng CHR

Simulation exercise sa BuCor kaugnay sa pagpapahubad sa mga dalaw sa NBP, posibleng isagawa ng CHR

National News

Simulation exercise sa BuCor kaugnay sa pagpapahubad sa mga dalaw sa NBP, posibleng isagawa ng CHR

Pinaplano ng Bureau of Corrections (BuCor) na magsagawa ng simulation exercise kasama ang Commission on Human Rights (CHR) sa para magkaroon ng linaw ang nagpapatuloy na imbestigasyon sa umano’y mapang-abusong “strip search” o pagpapahubad sa asawa ng ilang bilanggo na bumisita sa New Bilibid Prison (NBP).

Tiniyak naman ni Bucor Director Gregorio Catapang Jr. na bukas siya sa kung ano man ang magiging rekomendasyon ng CHR kaugnay ng pagsasagawa nila ng inspeksyon at pagkakapkap sa bawat dumadalaw sa mga PDL, pero hindi anya dapat makokompromiso ang seguridad ng pasilidad.

Nilinaw naman ni Catapang na lehitimo at matagal nang protocol sa bucor ang “strip search” o pagpapahubad sa mga dumadalaw bilang bahagi ng inspeksyon para hindi makalusot ang mga kontrabando.

Pero nilinaw niyang pumipirma ng waiver ang mga dalaw bago gawin ang nasabing inspeksyon, at mahigpit na ipinagbabawal sa mga prison guard na hawakan ang katawan ng iinspeksyuning dalaw.

More in National News

Latest News

To Top