Connect with us

Singil sa kuryente ngayong Mayo, bababa ng P0.12kwh

Bad news mga kapartner, magpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang MERALCO ngayong buwan ng Hunyo.

Metro News

Singil sa kuryente ngayong Mayo, bababa ng P0.12kwh

Good news sa mga consumer, magkakaroon ng bawas-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Mayo.

Sa abiso ng Meralco, bababa ng P0.12 kada kilowatt hour ang kanilang singil sa darating na may billing.

Ang bawas-singil ay katumbas ng P24 na bawas bayarin sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour; P36 sa mga kumukunsumo ng 300 kilowatt hour; P48 sa mga kumukunsumo ng 400 kilowatt hour at P60 sa mga kumukunsomo ng 500 kilowatt hour.

Tumaas ang generation charge ng P0.35/kwh ngunit ipinag-utos naman ng Energy Regulatory Commission sa Meralco na magrefund ngayong buwan ng mahigit P7.7 bilyon o katumbas ng reduction na P0.47/kwh sa residential customers.

More in Metro News

Latest News

To Top