National News
2 opisyal ng Pasig CENRO, sinuspende ni Mayor Sotto dahil sa korapsyon
Sinuspende ni Mayor Vico Sotto ang dalawang mataas na opisyal ng Pasig City Environment and Natural Office (CENRO) dahil sa isyu ng korapsyon.
Ayon kay Sotto, suspendido ang dalawang opisyal na walang bayad habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa opisina ng mga ito.
Ani Sotto, ang pagkakasuspinde ng CENRO officials ay kasundo ng kanilang isinagawang spot inspection sa ilang establisyemento na patuloy na nagtatapon ng waste water sa mga drainage ng lungsod.
Nadiskubre rin aniya nila ang mga kahinahinalang aktibidad sa City Environment and Natural Office.
Iginiit ng alkalde na kung nais malinis ang mga ilog ay kailangan ipatupad ang environmental laws na walang takot o pinapaboran at walang suhol o protectors.