Connect with us

Sitwasyon sa Taiwan, normal na — MECO

Sitwasyon sa Taiwan, normal na — MECO

National News

Sitwasyon sa Taiwan, normal na — MECO

Tiniyak ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Silvestre Bello III na normal na normal ang sitwasyon sa Taiwan.

“I’m happy to report, sabihin sa inyo na ang Taiwan situation ay normal na normal although ready ang ating pamahalaan sa utos ni Pangulong Marcos. Ready kami for any eventuality. Ang assessment po doon, normal na normal don, walang humihingi ng shelter, walang humihingi ng repatriation dahil normal na normal po ang sitwasyon sa Taiwan,” ani Bello.

Sa kabila ito sa pangamba na matulad ang relasyon ng China at Taiwan sa nangyayari ngayon sa pagitan ng Ukraine at Russia matapos bumisita si US House Speaker Nancy Pelosi.

Ayon kay Bello, maganda pa rin ang kalagayan ng mga OFW sa Taiwan hanggang ngayon subalit sinabi nitong nakahanda sila sa anumang mangyayari.

Dagdag pa ni Bello, sanay na ang Taiwan sa mga military exercise na ginagawa ng China sa kanilang bansa kung kaya’t hindi rin nababahala ang mga ito.

Aabot sa mahigit kumulang 200,000 mga pilipino ang kasalukuyang nasa Taiwan.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top