Connect with us

Sitwasyon sa Tubaran, Lanao Del Sur, nananatiling normal – PNP

Ayon kay PRO Bangsamoro Autonomous Region Regional Director Police Brigadier General Arthur Cabalona

National News

Sitwasyon sa Tubaran, Lanao Del Sur, nananatiling normal – PNP

Nananatiling normal ang sitwasyon ng special election sa Tubaran, Lanao del Sur.

Ayon kay PRO Bangsamoro Autonomous Region Regional Director Police Brigadier General Arthur Cabalona, patuloy ang pagboto ng mga residente sa polling centers sa Tangcal, Tubaran Proper at Buribid.

Nasa 8,000 residente mula sa 12 barangay  ang inaasahang ang boboto ngayong Martes.

Personal ding tiningnan ni PNP director for operations Police Major General Valeriano De Leon ang sitwasyon lalo’t may mga armadong indibidwal silang na-monitor sa lugar.

Tiniyak naman nito na hindi magkakalapit sa polling areas ang mga armadong indibidwal.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top