Kingdom News
SMNI, hindi kailanman mababayaran; paghahatid ng katotohanan, mananatiling interes para sa bayan
Sa kanyang programang Spotlight nitong Huwebes, ika-16 ng Nobyembre, muling binigyang diin ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang paninindigan ng SMNI pagdating sa paghahatid ng balita at katotohanan.
“Kasi dito wala tayong ibang interes at wala tayong ibang interes din na humahawak sa leeg natin upang tayo ay pumanig sa interes na kahit hindi totoo dahil nabayaran tayo ay doon na tayo. Wala po dito ‘yan SMNI at wala po dito ‘yan sa ating mga programang nakikita ninyo sa SMNI hindi po nabayayaran ‘yung mga tao diyan, ‘yung mga programa natin mga journalist, broadcasters, reporters. Kaya kung kayo ay gusto talagang makinig sa tunay na mga katotohanan ng mga issues dito kayo sa SMNI,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ayon kay Pastor Apollo, sa nation-building mahalagang malaman ng tao ang katotohanan pero dahil sa dami rin na may pansariling interes ay natatabunan na kung ano ang totoo.
“Kasi sa pamayanan napakaraming mga issues na napakaraming mga interests, different kinds of interests. May mga political interest, may self-interest may mga interest na pansarili. Pero natatabunan ang katotohanan dahil sila ay nasa posisyon o kaya nasa kapangyarihan na kung titingnan mo talagang sa surface balat kayong nagmamahal sa bayan, pero sa totoo niyan sa ilalim ang pagmamahal niyan unang-una sa kanyang career, sa kanyang self-preservation, sa kanyang sarili bago pa ang bayan. Pero ang totong nagmamahal sa bayan ay uunahin ang bayan bago ang sarili,” dagdag pa ng butihing pastor.
Samantala, inihayag din ni Pastor Apollo na ang pagkakaisa at pagiging tapat sa bayan ang kailangan para sa ikauunlad ng bansang Pilipinas.
“Pagdating dyan, ‘wag dapat tayong hawakan o pakialaman ng iba. Tumayo tayo sa sarili natin, pagkatapos mahalin ang bansa kung ano ang ikabubuti ng bansa, mag-contribute tayo. Hindi ‘yung nakaw dito, nakaw doon, kuha dito, kuha dito parang nanay na lahat at sinususo, wala namang binibigay,” ani Pastor Apollo.
Kaugnay naman sa usapin tungkol sa pagpapalago sa imahe ng Pilipinas, sinabi ni Pastor Apollo na ang kagandahan ng bansa ang dapat na ipagmalaki at ipakita hindi ang mukha ng kahirapan.
“Kailan maging maganda ang Pilipinas? Ito namang bulok na media, ang palaging pinapakita, ‘yung kabulokan na nakikita nila dito. Kahirapan, pagka-awa, mga Pilipinong walang ngipin, tapos iniinterview walang trabaho, may mga anak dito anak doon, kapobrehon para rin tayong biktima at kaawaan ng iba. I hate that, I hate for people to pity me, I dont want pity,” saad pa nito.
Sa huli, hanga naman ni Pastor Apollo sa naging liderato ni dating Pang. Rodrigo Duterte pagdating sa pagpapaganda ng ating bansa.
“That’s why when President Duterte was president, I really admired the build, build, build. They are now building the longest mountain tunnel in the Philippines which is here in Davao City. 2.1 kilometers first tunnel under a mountain in the Philippines. Ganyan sana palagi ang source ng iba kung paano pagandahin ang ating bansa. So, magbabago ang utak natin na pagka pinag-uusapan ang kagandahan, ang contribution sa Pilipinas, doon tayo nagkakaisa. That is what I call nation building,” pahayag pa nito.