Kingdom News
SMNI, mahalaga ang papel para sa nation-building – Legacy Awards Council
Dahil sa kontribusyon nito sa patuloy na pag-unlad ng Pilipinas, muling kinilala ang Sonshine Media Network International (SMNI) sa katatapos na Legacy Awards dito sa Okada Manila.
Ang media ang pinakamakapangyarihan at pinakamabasiang paraan para sa pagbuo ng isang komunidad at para sa pag-unlad ng alinmang bansa.
Ito ang dahilan kung bakit pinuri ng Legacy Awards Council ang SMNI sa pagganap ng mahalagang papel sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon at balita sa mga ginagawa ng gobyerno.
Sinabi rin ni Legacy Awards Council Chairman Wilfred Lemque Jr. na naging vocal ang SMNI at naging watchdog para panagutin ang mga nasa kapangyarihan.
“Well benchmark ang SMNI. Number 1 you are one of the media entities that have been very visible in giving and showing what the government is doing.”
“It is important that the people see’s what’s happening. Galing ako sa abroad. Nakikita namin kung paano dinedevolp ang bawat bansa. Tinitingnan kung ano ang ginagawa ng gobyerno at ano ang kapintasan ng gobyerno. So ganoon ang SMNI. Hindi lang puro puri ang SMNI. I can see SMNI kung ano yung medyo may sabit, sinasabi ninyo. Very transparent and its very important to show what the government is doing and where are we as Filipino and what is Philippines now to show it to the world,” ayon kay Legacy Awards Council, Chairman, Wilfredo Lemque Jr.
Dahil dito, pinili ng award council ang SMNI bilang isa sa mga tumanggap ng prestihiyosong Legacy Awards for Business sa kategorya ng media excellence para sa pagtataguyod ng kapayapaan, pagkakaisa, at pagbuo ng bansa sa pamamagitan ng etikal na pamamahayag at pakikipag-ugnayan sa komunidad.
Pinasalamatan naman ng award council si Pastor Apollo C. Quiboloy sa pangunguna at inilaan ang SMNI na maging boses para sa katotohanan at para sa nation-building
“Well in behalf of the council, the Legacy Awards Council, we are very pleased and happy to congratulate SMNI for your award. I would also to thank Pastor Apollo C. Quiboloy for spearheading, making SMNI report, being transparent, and showing what’s the story about. I would like to thank, all of you, the team, SMNI team for giving the real story behind Filipinos,” saad pa ni Wilfredo Lemque Jr.
Hindi pa natatapos ang 2023 ngunit patuloy na umaani ng mga parangal at papuri mula sa iba’t ibang award-giving bodies sina Pastor Apollo C. Quiboloy at SMNI News Channel.
