Kingdom News
SMNI, mananatiling kritikal ngunit makatutulong sa gobyerno – Pastor ACQ
Mananatiling nakatutok ang Sonshine Media Network International (SMNI) sa magagandang gawain ng pamahalaan ngunit hindi naman ito magiging bulag sa mga sentimyento ng mamamayan na dapat maipabot sa mga lider na nasa pamahalaan. Ito ang binigyang-diin ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa isang eksklusibong panayam ng SMNI newsteam.
“Andun pa rin ang check and balance natin pero primarily ang ating ilalahad ay yung kabutihang ginagawa ng ating leaders kung sino man sila, wala naman silang masamang pakay sa kanilang pagiging leader kundi ‘yung kabutihan ng kanilang mga agenda ng kanilang administrasyon,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ito ang naging paglilinaw ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa editorial policy ng SMNI.
Matatandaang una nang inilahad ni Pastor Apollo ang direksyon ng network sa pagsusulong ng interes ng bayan sa pamamagitan ng pagtutok sa magagandang ginagawa ng pamahalaan bagay na aniyay hindi ginagawa ng mainstream media.
“’Yun kung minsan ang hindi tinatalakay ng ibang media kasi media is very adversarial, that is the role of media but for us, we took the role of being nation builders because we see our country needs that. It’s all destruction, it’s all the ugly-the bad that these people is trying to promote for the country and we promote the good,” dagdag pa ng butihing pastor.
Sa eksklusibong panayam, binigyang-diin naman ni Pastor Apollo na hindi ibig sabihin nito ay mananahimik ang SMNI sa mga isyung bigo ang pamahalaan na tugunan.
“So, we took the role in SMNI but not saying that we are puppets of the government, we will also be critical of the government when they fail to do their job but in a very constructive manner not in a destructive one.”
“Hindi sasabihing komo-nationbuilder tayo pinapakita natin kung ano lang ang maganda sa ating gobyerno, bayan at pamahalaan ay bulag na tayo sa kanilang maling ginagawa. Kung meron man silang maling ginagawa, we will also try to correct that pero in a constructive way not in a destructive way because they are still leaders,” ani Pastor Apollo.
Ayon pa kay Pastor Apollo, dapat aniya’y ang media ay maging katuwang ng pangulo sa nation-building at kung maging kritikal man ay dapat itong makatutulong pa rin sa interes ng bansa.
“For example, the president will be there for 6 years, if you keep on bumping and bombarding him with negative things, how can he do his job very well when he is the expecting the media to be a partner of nation-building? So, we still be critical, we still be reminding them of their job but in a constructive way not in a destructive way. Yun ang tinatawag nating constructive criticism,” saad pa nito.
At yan ang muling paalala ni Pastor Apollo sa mamamayang Pilipino kung ano ang puso ng editorial policy ng SMNI.
