Kingdom News
SMNI News, pinarangalan sa Global Iconic Aces Awards
Pinarangalan ang SMNI News bilang Global Iconic Broadcasting Network for Public Affairs.
Mula sa mga lingkod bayan hanggang sa mga business owner, kinilala ang mga ito sa taunang Global Iconic Aces Awards na ginanap sa Okada Manila nitong Lunes ng gabi, ika-28 ng Agosto.
Kabilang na rito ang SMNI News Channel kung saan muling pinatunayan ng nasabing broadcasting network ang reputasyon nito sa paghahatid ng mahahalagang balita at impormasyon matapos umani ng bagong pagkilala.
Nasungkit ng SMNI News ang tropeo para sa Global Iconic Broadcasting Network for Public Affairs.
Nitong linggo lamang, patuloy na kinikilala ang SMNI News Channel dahil sa kontribusyon nito sa nation-building at patuloy na pag-unlad ng Pilipinas.
Mandato ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa nasabing broadcasting network ay ang patuloy na paghahatid ng makatotohanan at patas na mga balita sa taumbayan.
Sa pagsisimula ng taong 2023, higit 30 parangal na ang natanggap ng SMNI News Channel mula sa iba’t ibang award-giving body.
