Connect with us

Sobrang higpit sa Chinese visa requirements na posibleng dahilan sa pag-atras ng investors, ikinabahala

Sobra umanong paghihigpit sa Chinese visa requirements at posibleng pag-atras ng mga investors, ikinabahala

National News

Sobrang higpit sa Chinese visa requirements na posibleng dahilan sa pag-atras ng investors, ikinabahala

Nananawagan sa pamahalaan ang isang grupo ng Filipino Chinese community at humiling na huwag masyadong higpitan ang mga visa requirements ng mga Chinese nationals na nais magtungo sa Pilipinas.

Iginiit ni Teresita Ang-See na hindi makatarungan ang ginagawang paghihigpit ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Chinese na nais pumasok dito sa bansa.

Marami na anya siyang natatanggap na reklamo mula sa Chinese community na nakaranas umano ng panggigipit na tila ayaw ng papasukin sa Pilipinas.

Dahil diyan ay nagbabala siya na posibleng maapektuhan ang tourist arrival ng Pilipinas lalo pa at malaking bilang ng mga Chinese ang nagtutungo dito sa bansa at marami rin anyang Chinese investors ang umaatras na mag negosyo sa bansa dahil sa paghihigpit sa kanila na makapasok dito sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top