National News
SOCE ni Mayor Alice Guo, maaaring silipin ng Comelec
Maaaring silipin ng Commission on Elections (Comelec) ang isinumite na statement of contributions and expenditures (SOCE) ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sinabi lang ni Comelec Chair George Garcia na kailangan mayroong magbigay impormasyon sa kanila na sobra kung sakali ang idineklara ni Guo kumpara sa totoong nagastos nito noong campaign period ng 2022 elections.
Sa isinumiteng SOCE ni Guo ay mahigit P134-K lamang ang nagasto nito sa kampanya.
Mula rin aniya ito sa kanyang personal na pondo.