Metro News
Social distancing, mahigpit na ipatutupad sa pag-iral ng community quarantine
Mahigpit na ipatutupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang social distancing policy sa mga na-establish na checkpoints.
Sinabi ni NCRPO Chief Maj. Gen. Debold Sinas na sisitahin ng mga otoridad ang mga sasakyan na siksikan ang mga pasahero gaya ng mga jeep at bus.
Iginiit ni Sinas na kailangan may gap na isang upuan at maging sa mga pila ay dapat panatilihin ang one meter distance.
Ayon pa kay Sinas, isasailalim sa inspeksyon sa mga designated pick-up point ang mga pasaherong sasakay ng city bus papasok ng Metro Manila.
Siniguro naman ni Sinas na ang mga pasaherong sasakay ng city bus papasok ng Metro Manila ay isasailalim sa inspeksyon sa mga designated pick-up point.