Connect with us

SolGen, tahimik sa desisyon ni PBBM sa hiling ng ICC vs drug war

Tumanggi at ayaw munang sabihin ni Solicitor General Menardo Guevarra kung mayroon na bang pinal na desisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

National News

SolGen, tahimik sa desisyon ni PBBM sa hiling ng ICC vs drug war

Tumanggi at ayaw munang sabihin ni Solicitor General Menardo Guevarra kung mayroon na bang pinal na desisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa hiling ng International Criminal Court (ICC) na maimbestigahan ang drug war campaign na ginawa ng Duterte administration.

Ipinaliwanag ni Guevarra na ipinauubaya niya sa Malakanyang ang pag-anunsyo ng isyu kaya mas mainam na hintayin na lamang ang magiging pahayag ng pangulo.

Matapos itong kinumpirma ng solicitor general na nakipag-pulong na sila kay Pangulong Marcos kasama sina Executive Secretary Vic Rodriguez, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Justice Secretary Crispin Remulla, at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Sinabi ni Guevarra na tinalakay sa pagpupulong ang posisyon ng pamahalaan ukol sa imbestigasyon ng ICC sa isyu sa giyera kontra droga ng nagdaang pamahalaan.

Matatandaang 2019 nang kumalas ang Pilipinas sa ICC kaya malinaw anya na hindi na tayo miyembro dito.

More in National News

Latest News

To Top