Connect with us

Solo debut ni Girls’ Generation Sooyoung, nakatakda sa Oktubre

Solo debut ni Girls' Generation Sooyoung, nakatakda sa Oktubre

Showbiz

Solo debut ni Girls’ Generation Sooyoung, nakatakda sa Oktubre

Sa Oktubre 30, 2024 na ang official solo debut ni Sooyoung ng Girls’ Generation (So Nyu Shi Dae o SNSD sa Korea).

Ang kanyang magiging 4-track album ay may pamagat na “Unstoppable”.

Sa Japan naman gagawin ang solo debut na ito ng dancer-rapper subalit bago ang release, isang debut showcase muna ang isasagawa niya sa Ebisu Garden Hall, Tokyo, Japan sa Oktubre 26.

Si Sooyoung na ang ika-walong member ng originally 9-piece group na nagkaroon ng official solo debut.

Matatandaan na ang leader at main vocalist nila na si Taeyeon ang kauna-unahang sumabak sa pagiging soloist noong 2015 sa pamamagitan ng kanyang mini album na pinamagatang “I”.

Sinundan ito ng “I Just Wanna Dance” mini album ni Tiffany noong 2016, at “Don’t Say No” mini album ni Seohyun noong 2017.

Bagamat 2019 ng inilabas ang “A Walk To Remember” special album ng center at visual na si Yoona, taong 2016 pa ng magkaroon ito ng single sa SM Station na may pamagat na “Deoksugung Stonewall Walkway”.

Sa kaparehong taon ay may solo single rin ang main dancer nila na si Hyoyeon para sa SM Station na may pamagat na “Mystery”.

Ang lead dancer na si Yuri ay 2018 ng i-release ang kanyang “The First Scene” mini album.

Samantala, ang former member na si Jessica ay noong 2016 rin sinimulan ang kanyang solo venture sa pamamagitan ng release ng extend play (EP) nitong “With Love, J”.

Sa ngayon, tanging ang lead vocalist nalang na si Sunny ang wala pang official solo debut sa lahat ng members ng nabanggit na 2nd generation K-Pop girl group.

Ang Girls’ Generation ay nag-debut noong Agosto 5, 2007 at kasabayan nila sa industriya ang 2ne1, Bigbang at Super Junior.

Continue Reading
You may also like...

More in Showbiz

Latest News

To Top