Connect with us

SONA All concert, ikinasa bilang kilos-suporta kay PBBM

SONA All concert, ikinasa bilang kilos-suporta kay PBBM

National News

SONA All concert, ikinasa bilang kilos-suporta kay PBBM

Taliwas sa nakasanayang kilos-protista, ngayong kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ikinasa naman ng Malayang Quezon City ang Kilos-Suporta o ang SONA All concert.

Ito ayon kay Edwin Rodriguez, president ng Malayang Quezon City.

Aniya, bilang tugon ito sa panawagan ni Pangulong Marcos na magsama-sama sa pag-bangon at iwasan ang mga usaping pulitika.

Dagdag pa ni Rodriguez na layunin ang nasabing concert na magbigay kasiyahan, kung saan sa pamamagitan ng live streaming ay mapapanood rin ang mga kaganapan sa SONA ng pangulo.

Aniya, ilang kongresista, senador at mga opisyal ang nangako na bago pumasok at dumalo sa kongreso ay dadaan muna sa nasabing SONA all concert sa IBP Road Quezon City.

Naniniwala naman si Rodriguez na tututukan ni PBBM sa kanyang unang SONA ang mga usapin na may kaugnayan sa food security, energy, trabaho at peace in order.

More in National News

Latest News

To Top