National News
‘SONA All’ street concert sa IBP road, inaasahang dadagsain ng libu-libong taga-suporta ni PBBM
Inaasahang dadagsain ng libu-libong mga taga-suporta ng administrasyon ang isasagawang watch party at street concert para sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.
Sarado sa mga motorista ang isang bahagi ng Batasan Road ngayong araw sa harap ng Pres. Corazon C. Aquino Elem. School.
Ang ‘SONA All: Kilos Suporta para sa Pagbangon at Pagkakaisa’ concert ay gaganapin sa IBP Road na malapit sa Batasan Pambansa Complex na magsisimula mamayang ala-una ng hapon.
Ayon kay Anakalusugan Rep. at Malayang Quezon City chairperson Mike Defensor ang siyang organizer ng SONA All, bukas ang event sa lahat ng mga tagasuporta ni Pangulong Marcos.
Inaasahan nina Defensor na dagdagsain ito ng libu-libong taga-suporta ng pangulo.
Nagtayo rin ng LED screens sa mga strategic areas malapit sa President Corazon Aquino Elementary School sa Batasan Road para sa nasabing concert.
Tampok sa SONA All concert ang mga banda at entertainers na Repakol, Inner Voices, Arriba, Plethora, at iba pang kilalang personalidad.
Una nang siniguro ng organizer ng concert ang permit mula sa Quezon City Government na gamitin ang bahagi ng Batasan Road para sa nasabing event.
