Connect with us

Sonshine Philippines Movement, napiling NGO ng isang High School sa Isabela para matulungan ang Taal evacuees

National News

Sonshine Philippines Movement, napiling NGO ng isang High School sa Isabela para matulungan ang Taal evacuees

Pinili ng Rizal National High School (RNHS) sa Santiago City, Isabela ang Sonshine Philippines Movement (SPM) para sa proyekto nitong pagtulong sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng “Bible month,” nagsagawa ang RNHS ng PROJECT TAPAT NA ALAY o PROJECT TA-AL na may layuning makalikom ng pera para makatulong sa mga Taal evacuees.

Sa panayam ng Sonshine Radio, ibinahagi nina Ms. Helen Cabreros, Assistant to the Principal at School WATCH Coordinator ng RNHS, Ms. Lota G. Jacinto, ESP/TLE Coordinator at Ms. Melowin D. Mayormente, ESP teacher at proponent of Project TAAL, ang layunin PROJECT TA-AL na bahagi naman ng Project W.A.T.C.H. o Project We Advocate Time Consciousness and Honesty ng Department of Education.

Binabasa ng isang mag-aaral ng RNHS ang memo hinggil sa Project Taal/Project W.A.T.C.H.

Layunin ng Project W.A.T.C.H. na maging disiplinado ang mga estudyante lalo na sa oras at katapatan.

Aniya, naisip nilang isagawa ang PROJECT TA-AL na bahagi ng Project W.A.T.C.H sa pagdiriwang ng Bible Month, upang isabuhay ang salita ng Panginoon.

Nagambag ang mga mag-aaral ng RNHS sa proyekto ng paaralan para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal sa tulong ng Sonshine Philippines Movement.

 

 

“Sabi ko nga sa mga bata, para maisabuhay natin yung salita ng ating Panginoon ay kailangan mai-apply natin ito. So, yung Project Ta-al po yung pagbibigay namin nung kahit kaunting halaga lang, at least maipakita natin yung pagmamahal ng Diyos sa mga nangangailangan.” saad ni Mayormente.

Tinatayang higit-kumulang sa P24,000 na halaga ang nalikom ng RNHS na mula sa mga faculty, staff, mga estudyante at magulang.

Umabot sa mahigit P24,000 ang nalikom na pondo na bilang tulong sa mga evacuee ng pagputok ng Bulkang Taal.

Pinagkatiwalaan naman ng RNHS ang SPM sa paggamit ng pera na siyang gagamitin upang bigyan ng tulong ang apektado ng nasabing kalamidad.

Personal na inabot ang nalikom na pera ng mga kinatawan ng RNHS sa DWSI 864 Sonshine Radio Santiago, Isabela.

(Left-Right) Lorraine Caparros (DWSI staff), Helen P. Cabreros, Melowin Mayonmente, Lota Jacinto, Jovy Dacuycuy (DWSI Station Manager)

Ang SPM ay isang humanitarian organization na sinusuportahan ni Dr. Rev. Pastor Apollo C. Quiboloy. Si Pastor Apollo ay kilalang philanthropist na walang sawang tumutulong sa mga taong nangangailangan sa ng tulong lalo na sa gitna ng kalamidad, hindi lamang dito sa Pilipinas kung ‘di maging sa ibang bansa.

Relief operation ng Sonshine Philippines Movement sa Sto. Tomas, Batangas.

More in National News

Latest News

To Top