Sports
South Korea, pinatawan ng parusa ng FIBA dahil sa hindi pagsali sa Asia Cup Qualifiers
Dahil sa hindi pagsali sa Asia Cup 2021 Qualifiers noong Nobyember 2020, pinatawan ngayon ng parusa ng FIBA ang federations ng bansang South Korea kasama ng China at Chinese-Taipei.
Sa anunsiyo ng FIBA, kabilang parusa ipapataw sa tatlong pederasyon ang disciplinary fine o multa na nagkakahalaga ng 160,000 Swiss Franc o katumbas ng ₱8.6 milyon.
Kasama rin sa sanction ang bawas na 2 points sa bawat team para sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.
Sa kasalukuyan ay mayroong 4 points ang South Korea sa group A, ngunit ayon sa FIBA, maaapektuhan ang kanilang points dahil sa ipatutupad na sanction.
Dahil sa hindi pagsali sa November 2020 window, magiging puno ngayon ang schedule ng South Korean team sa kanilang third at final window ng mga qualifiers sa darating na February 17 hanggang 22 sa Clark, Pampanga.
Samantala, nangunguna ngayon sa grupo ang Pilipinas na may 6 points matapos manalo sa lahat ng tatlong laro sa kasalukuyan.
