Connect with us

Southbound lane ng EDSA-Kamuning Flyover, isinara na sa mga motorista

Southbound lane ng EDSA-Kamuning Flyover, isinara na sa mga motorista

Metro News

Southbound lane ng EDSA-Kamuning Flyover, isinara na sa mga motorista

Mabigat ang daloy ng trapiko sa service road sa Kamuning Flyover sa ikalawang araw ng pagsasara sa nasabing tulay.

Sarado ang nasabing bahagi ng Kamuning Flyover para sa mga pribadong sasakyan pero bukas ito para sa mga bus ng EDSA Carousel.

Batay sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mahigit 24-K na mga 4-wheel vehicles habang higit 20-K na motorsiklo ang dumadaan sa naturang tulay.

Kaya naman sa nangyaring inspection ni MMDA Acting Chairman Romando Artes kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong Huwebes, kanilang napagdesisyunan na  hindi na muna paparaanin ang mga nagmomotorsiklo sa service road.

Ito ay para kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko sa nasabing kalsada.

Magdadagdag din ang MMDA ng mga traffic enforcers na gagabay sa mga motorista patungo sa mga alternatibong ruta.

Ang DPWH magkakabit din ng mga karagdagang signages patungkol sa rerouting scheme at pagsasara ng naturang flyover.

Tatagal ang unang bahagi ng pagkukumpuni mula April 25 – August 6, habang magsisimula naman ang ikalawang bahagi sa July 15, at matatapos sa October 25.

Una nang ipinaliwanag na kailangang sumailalim ang nasabing tulay sa retrofitting at pagkukumpuni.

Isa kasi ito sa 14 na tulay na tinukoy ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na kinakailangang kumpuhunin bilang paghahanda sa “The Big One.”

More in Metro News

Latest News

To Top