Connect with us

SP Escudero, nag-sorry sa mga nasaktan sa pagpapalit ng liderato sa Senado

SP Escudero, nag-sorry sa mga nasaktan sa pagpapalit ng liderato sa Senado

National News

SP Escudero, nag-sorry sa mga nasaktan sa pagpapalit ng liderato sa Senado

Bago pa tuluyang mag-adjourn ang huling sesyon ng 19th Congress ay humingi ng tawad si Senate President Chiz Escudero sa lahat ng mga nasaktan matapos ang pinakahuling pangyayari sa Senado.

Una nang inamin ni Escudero na siya mismo ang nanguna para palitan sa puwesto si Sen. Migz Zubiri bilang Senate president.

“Hinihingi po ng paumanhin kung may naabala man kami, kung may nasaktan man po kami. Kung meron man po kaming naapakan na paa, sana tanggapin niyo ang aking makikipagkumbaba paghingi ng tawad, at sisikapin po namin na gawin ang aming makakaya para hindi man mahigitan ay mapantayan man lang namin ang nagawa at nakamit ng nagdaang tagapangulo ng Senado at ng bagong liderato,” ayon kay Senate President, Sen. Chiz Escudero.

Matatandaan na nauna nang nag-sorry si Senator Bato Dela Rosa kay Senator Migz Zubiri dahil sa hindi raw nito naipanalo ang giyera para sa dating Senate president.

Samantala, si Senador Robin Padilla, ipinagtanggol naman si Senador Dela Rosa sa pagpirma nito sa resolusyon pabor kay Escudero.

Ayon kay Padilla, wala nang nagawa si Bato sa mga pangyayari nang kausapin nila ang senador.

“Kasi kailangan mamili siya. Partido o ‘yung kaniyang matatawag na pakikisama kay SP Migs, siyempre nanaig ang party man niya,” ayon kay Sen. Robin Padilla.

Samantala, nagkaroon na ng re-organization sa ilang pangunahing komite sa ilalim ng bagong liderato.

Ang ilang senador, ibinoto sa mga malalaking komite kabilang na ang mga senador na bumoto pabor kay Migz Zubiri.

Si Senador Zubiri na-elect na pamunuan ang Committee on Economic Affairs.

Si Senador Sonny Angara naman pumalit kay Sen. Francis Tolentino bilang chairman ng Committee on Justice and Human Rights.

Na-elect namang chairman ng Senate Committee on Sustainable Goals si Senador Nancy Binay.

Si dating Majority Floor Leader Joel Villanueva naman hahawakan ang Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.

Samantalang si Senator JV Ejercito ang magiging chairman ng Committee on Local Government.

More in National News

Latest News

To Top