Connect with us

Special elections sa 14 brgy. sa Lanao del Sur, wala pang final schedule – COMELEC

Special elections sa 14 brgy. sa Lanao del Sur, wala pang final schedule – COMELEC

National News

Special elections sa 14 brgy. sa Lanao del Sur, wala pang final schedule – COMELEC

Hindi pa nasasapinal ng Commission on Elections (COMELEC) ang schedule para sa special elections sa 14 barangay sa Lanao del Sur.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, kailangan munang siguruhin ng poll body ang seguridad sa mga naturang lugar kung saan idineklara ang failure of elections bunsod ng banta ng karahasan at terorismo.

Ani Garcia, mag-iimprinta sila ng panibagong mga balota para sa gagawing special elections.

Una nang idineklara ng COMELEC ang failure of election sa 14 barangays sa munisipalidad ng Tubaran, Binidayan at Butig, Lanao del Sur.

Dagdag pa ni Garcia, nagpapatuloy pa rin ang hot pursuit operations para mahuli ang mga nasa likod ng pagnanakaw ng mga balota.

More in National News

Latest News

To Top