Connect with us

Special Investigation Task Group, binuo kasunod ng pambobomba sa isang bus sa Koronadal City

Bumuo na ang Special Investigation Task Group (SITG) ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagbobomba sa isang bus sa Koronadal City, South Cotabato kahapon.

National News

Ayon kay PNP OIC Police Lieutenant General Vicente Danao Jr., habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ay tinitiyak nila ang seguridad ng mga pampublikong lugar at transportasyon.

Mananatili aniyang naka-alerto ang pulisya, kung saan hinimok din nilang publiko na agad ipagbigay-alam kung may makikitang kahina-hinalang kilos o aktibidad sa kanilang lugar.

Nabatid na nasugatan sa insidente ang tricycle driver na kinilalang si Wilfredo Ilagan Tino.

Una nang itinuro ng militar ang Dawlah Islamiyah na nasa likod ng pambobomba dahil sa ginamit nilang improvised explosive device (IED).

More in National News

Latest News

To Top