Connect with us

Specimen sa crime scene sa Degamo murder, match sa 4 na suspek

Specimen sa crime scene sa Degamo murder, match sa 4 na suspek

National News

Specimen sa crime scene sa Degamo murder, match sa 4 na suspek

Tugma ang nakolektang DNA samples mula sa crime scene ng Degamo murder sa 4 na suspek ng kaso.

Ayon kay Atty. Levito Baligod, ang legal counsel ng pamilya Degamo, ang samples ay tugma sa mga suspek na sina Eulogia Gonyon Jr., Winrich Isturis, Osmundo Rivero, at Rogelio Antipolo Jr.

Isinumite na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang DNA analysis para magamit bilang ebidensya.

Kaugnay nito ay sinabi ni Baligod na ito ang dahilan kung bakit malakas pa rin ang kanilang kaso laban sa mga suspek kahit pa magsipagbaliktaran ang mga ito.

Aabot sa 10 ang itinuturing na suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo habang itinuring naman na mastermind si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr.

More in National News

Latest News

To Top