Connect with us

Spending ban sa fuel subsidy, aalisin ng Comelec

Spending ban sa fuel subsidy, aalisin ng Comelec

National News

Spending ban sa fuel subsidy, aalisin ng Comelec

Nakatakdang alisin ng Commission on Elections (Comelec) ang election spending ban sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga driver ng Public Utility Vehicles (PUV).

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, maglalabas ang komisyon ng resolusyon para dito.

Matatandaan na una nang inilabas ng komisyon ang Comelec Resolution 10944 kung saan ipinagbabawal ang pag-disburse o paggastos ng public funds para sa social welfare projects ng gobyerno simula September 15 hanggang sa mismong araw ng botohan sa October 30.

Tiniyak din ni Garcia na hindi idi-deny ng komisyon ang application para sa spending na lalo na kung request ito ng National Government Agency at isang regular program ng pamahalaan.

Sa ngayon ay hinihintay na ng Landbank of the Philippines ang pinal na desisyon ng Comelec para sa tuluy-tuloy na pamamahagi ng ayuda.

More in National News

Latest News

To Top