Connect with us

SRA Chief Serafica, maaring ma-cite for contempt sa Senate Blue Ribbon hearing

Maaaring ma-cite of contempt si SRA Chief Hermenegildo Serafica matapos bawiin nito ang kaniyang pahayag na binanggit ni PBBM

National News

SRA Chief Serafica, maaring ma-cite for contempt sa Senate Blue Ribbon hearing

Maaaring ma-cite of contempt si SRA Chief Hermenegildo Serafica matapos bawiin nito ang kaniyang pahayag na binanggit ni Pang. Bongbong Marcos Jr. ang pag-aangkat ng 600mt ng asukal sa isang zoom meeting noong Aug. 04.

Ito ay ayon kay Blue Ribbon Chair Senator Francis Tolentino sa resumption ng pagdinig sa sugar fiasco.

Nanindigan naman si Serafica na hindi niya sinabi sa pagdinig ang patungkol sa 600mt para sa sugar importation.

Pero si Tolentino, nanindigan na ito ay sinabi ni Serafica ilang beses sa pagdinig.

Ayon naman kay Sen. Risa Hontiveros, mayroong zoom recording para ma-verify ang naging laman ng pagpupulong.

Sinabi naman ni ES Sec. Rodriguez na walang partikular na sinasabi si PBBM sa volume na dapat angkatin kasunod ng kakulangan sa asukal.

More in National News

Latest News

To Top