Connect with us

SSS, umaapela sa mga kamag-anak ng mga pumanaw nilang miyembro na silipin at kunin ang death benefits na para sa kanila

SSS, umaapela sa mga kamag-anak ng mga pumanaw nilang miyembro na silipin at kunin ang death benefits na para sa kanila

National News

SSS, umaapela sa mga kamag-anak ng mga pumanaw nilang miyembro na silipin at kunin ang death benefits na para sa kanila

Umaapela ang Social Security System (SSS) na kunin na ng mga beneficiary ang death benefits ng kanilang mga pumanaw nang kamag-anak na miyembro ng state insurance program.

Inaanyayahan ng SSS ang mga ito na makipag-ugnayan o bumisita sa kanilang main office sa Quezon City o kaya’y saan mang SSS office na pinakamalapit sa kanila para tingnan ito.

Magtatagal hanggang 3 buwan ang naturang apela ng SSS para maghain ng death benefit claims ang mga benepisyaryo.

Pinaniniwalaang libo-libo ang mga benepisyaryong hindi nakapag-claim ng death benefits dahil posibleng hindi nila alam paano kunin ito.

Posible ring hindi nila alam na may ganitong uri ng benepisyo para sa mga miyembro ng SSS o kaya’y hindi alam mismo ng benepisyaryo na sila ang nilagay na maaaring makakuha ng death benefits.

More in National News

Latest News

To Top