Connect with us

Standardization ng sahod at benepisyo ng mga barangay official, isinusulong ni Sen. Lapid

Standardization ng sahod at benepisyo ng mga barangay official, isinusulong ni Sen. Lapid

National News

Standardization ng sahod at benepisyo ng mga barangay official, isinusulong ni Sen. Lapid

Hinikayat ni Sen. Lito Lapid ang kapwa Senador na pagtibayin ang kanyang panukalang batas para sa standardization ng suweldo at benepisyo ng mga barangay official sa buong bansa.

Ayon kay Lapid, mula Hulyo 11, 2022 hanggang sa kasalukuyan ay nakabinbin pa rin sa Committee level ang inihain niyang Senate Bill No. 270 o An Act Standardization the Salaries and Benefits of Barangay officials.

Umaasa si Sen. Lapid na maikakalendaryo na ang pagtalakay sa kanyang panukalang batas sa muling pagbubukas ng sesyon sa darating na Hulyo 22.

Malaking tulong aniya ang nasabing panukala para mabigyan ng sapat na insentibo at suweldo ang mga barangay official na siyang nagsisilbing frontliners sa pagbibigay ng serbisyo sa bayan at tagapag-patupad ng kapayapaan, kaayusan at kaunlaran sa bawat komunidad.

More in National News

Latest News

To Top