Connect with us

State of calamity, idineklara na ng Malacañang sa CALABARZON

State of calamity, idineklara na ng Malacañang sa CALABARZON

Regional

State of calamity, idineklara na ng Malacañang sa CALABARZON

Nagdeklara na ang Malacañang ng state of calamity sa Region 4A o CALABARZON Region bunsod ng pinsalang idinulot ng pag-alburuto ng Bulkang Taal noong Enero.

Batay sa proclamation 906 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 21, ipinag-utos nito sa lahat ng departamento at mga concerned government agency na magpatupad at magsagawa ng rescue, recovery, relief at rehabilitation work sa mga apektadong lugar.

Inatasan din ang mga ito na makipag-ugnayan at magbigay ng karagdagang basic services at pasilidad sa mga apektadong local government units (LGUs).

Pinatitiyak naman ng presidente sa mga law enforcement agencies at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kaayusan at kapayapaan sa mga apektadong lugar.

Nakasaad sa proklamasyon na mananatiling epektibo ang state of calamity ng isang taon maliban na lang kung agad itong alisin na naaayon sa batas.

More in Regional

Latest News

To Top