Sports
Stephen Curry, dinapuan ng seasonal flu at hindi coronavirus ayon sa team warrior
Kinumpirma ng Golden State Warriors na seasonal flu lang ang dumapo kay NBA Star Stephen Curry.
Pahayag ito ng team dalawang araw makaraang bumalik si Curry sa hardcourt matapos ang 58-game absence.
Nilinaw naman ni Warriors Team Physician Dr. Robert Nied na hindi Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang tumama sa warriors superstar.
Sa ngayon ay malabo pa kung kailan makapagpapagaling si Curry at makakabalik para sa Golden State.
Sa kasalukuyan, 19 na laro na lamang ang nalalabi para sa warriors ngayong season.
