Connect with us

Stigma at diskriminasyon, posibleng dahilan ng mataas na kaso ng HIV sa bansa – HIV community groups

Stigma at diskriminasyon, posibleng dahilan ng mataas na kaso ng HIV sa bansa – HIV community groups

National News

Stigma at diskriminasyon, posibleng dahilan ng mataas na kaso ng HIV sa bansa – HIV community groups

Ikinababahala ng ilang grupo na may kaugnayan sa kalusugan ang lumulubong kaso ng sa Pilipinas.

Batay kasi sa tala ng United Nations Programme on HIV (UNAIDS), 7 sa bawat 10 tao na may edad 15 taong gulang pataas ang namamatay kada taon.

Taong 1984, unang naitala ang kaso ng HIV-AIDS sa Pilipinas, kaya simula noon ay dumami na ang mga kabataang nagpopositibo rito na umabot sa 6,474 ang namatay.

70% ay nagmula sa edad 35 pababa noong 2022, nasa 651 ang nasawi na natukoy na may HIV, mas mataas sa 491 deaths na naitala noong 2021.

Sa pag-aaral nasa 47% o 23,900 na mga bagong inspeksyon na edad 15 – 24 taong gulang ang namatay noong 2022.

Punto ni Dr. Louie Ocampo, Country Director ng UNAIDS, nakaka-alarma na ito dahil sa mataas na bilang ng kaso.

Pero, accessible naman daw ang treatment at libre kaya nakakapagtataka kung bakit lumubo ang bilang ng HIV sa bansa.

Sinabi naman ng Action for Health Initiatives (ACHIEVE), sanggol ang pinaka-batang naitalang nag-positibo sa naturang sakit.

Pilipinas ang nangungunang bansa sa may pinakamataas na kaso ng HIV.

Dahil dito, napapanahon na raw na palakasin ng husto ang kampanya laban sa stigma at diskriminasyonna dahilan kung kayat maraming ang hindi nagpapa-test at lumulubo ang kaso.

Dapat lang din na mapagbuti ang access sa healthcare services gaya ng testing, treatment at care and support.

Pero, dapat lang daw na maisama sa curriculum ng Department of Education (DepEd) ang usapin na ito upang mabigyan na ng sapat na kaalaman ang mga kabataan.

Panawagan pa ng ibang grupo, iprayoridad ng pamahalaan ang access at utilization ng healthcare services at full implementation ng Republic Act 11166 o ang ‘HIV Policy Act’.

More in National News

Latest News

To Top