Connect with us

Storm surge, maaaring maranasan dahil sa lakas ng bagyong Marce − PAGASA

Storm surge, maaaring maranasan dahil sa lakas ng bagyong Marce − PAGASA

National News

Storm surge, maaaring maranasan dahil sa lakas ng bagyong Marce − PAGASA

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng magkaroon ng storm surge sa mga lugar na dadaanan ng bagyong Marce.

Sa isang pulong balitaan, inihayag ni DOST-PAGASA Administrator Dr. Nathaniel Servando na mula araw ng Miyerkules November 6 hanggang hapon ng November 7 ay nasa heavy to intense rain ang ibubuhos ng bagyong Marce sa buong Cagayan.

Habang sa kaparehong araw, moderate to heavy rainfall naman ang mararamasan sa Batanes, Isabela at Aurora.

“Nagpalabas kami ng rainfall advisories dahil inaasahan natin ang mga malalakas na pag-ulan simula ngayong araw lalong-lalo na sa probinsya ng Cagayan ine-expect natin ang heavy to intense rain from 100-200 mm of rain starting today modserate to heavy rains naman sa Batanes at Aurora”

Ayon pa sa director ng PAGASA, aasahan aniya na lalakas pa ang mga pag-ulan habang tinatahak ng bagyo ang northern part ng Luzon.

 “Inaasahan natin nalalakas pa ang mga pag-ulan habang ang bagyong Marce ay patuloy na kumikilos palapit sa mainland Luzon particularly sa northern part ng Luzon.”

Sinabi din ng opsiyal na dahil sa lakas ng bagyo ay inaasahan nila na magkakaroon ng storm surge sa mga dalampasigan.

“Dahil narin sa malalakas na hangin inaasahan natin na magkakaroon ng storm surge sa mga dalampasigan lalong-lalo na sa mga areas na nakataas ang signal No 3. at No 2. inaasahan natin ang moderate to high risks.

“Inaasahan natin ang coastal flooding dulot ng malalakas na paghampas ng alon sa mga dalampasigan kaya pinapayuhan din natin ang ating mga kababayan if possible na lumayo sa mga dalampasigan lalong-lalo na sa mga areas na direktang maapektuhan ng bayong Marce.”

Samantala, sa panayam ng SMNI News kay Alvin Ayson Information Officer ng Office of Civil Defense Region 2, para masiguro ang kaligtasan ng mga residente suspendido na ang pasok sa buong Region 2.

“Sa Batanes as precuationary meassure upang masiguro po natin ang protection at safety ng ating mga kababayan naglabas na rin sila ng work suspension.”

“Buong region 2 naka-suspend na rin ‘yong mga klase from kindergarten hanggang sa senior high school.”

Aniya, maaga palang ay nagpatupad na rin sila ng preemptive evacuation sa ilang lugar sa nasabing rehiyon.

Ani Ayson, “Kahapon may mga nagsagawa na ng preemptive evacuation pero kami ay nag-aantay ng confirmation ng data sa mga affected areas of responsibilities natin.”

Kasunod nito sinabi rin ni Col. Louie Dema-ala tagapagsalita ng Philippine Army na nakaantabay na ang tropa ng army partikular na ang 5th Infantry Division at mga reservists sakaling kinakailangan ang kanilang pwersa.

“Immediately nung napag-alaman namin na may parating na bagyo.

“We put on a standby alert lahat nung ating disaster response unit belonging to 5th Infantry Division and even doon sa mga community defense center natin ‘yong mga reservists natin naka-alerto na rin for any response na kinakailangan.”

 

More in National News

Latest News

To Top