National News
Sugatang lider ng NPA, nailigtas ng militar sa Ifugao
Nailigtas ng 54th Infantry Battalion ang isang sugatang lider ng New People’s Army (NPA) na inabandona ng kanyang mga kasama sa Sitio Belbel, Barangay Namal, Asipulo, Ifugao.
Ayon kay AFP Northern Luzon Command commander Lieutenant General Ernesto Torres Jr., kinilala ang sugatan na si alyas Junel, vice commanding officer ng Front Operational Command ng Guerilla Front AMPIS na nagsasagawa ng operasyon sa Abra, Mountain Province, at Ilocos Sur.
Agad siyang nilapatan ng paunang lunas at dinala sa pinakamalapit na ospital para mabigyan ng atensyong medikal.
Sinabi ni Torres na ang ginawa ng kanilang tropa ay pagpapakita ng paggalang nila sa buhay alinsunod sa International Humanitarian Law.
Samantala, nananatili namang bukas ang militar sa mga miyembro ng communist terrorist group na nais magbalik-loob sa gobyerno.
