Connect with us

Sumo-Wrestling Tournament, suspendido dulot ng COVID-19

Sumo-Wrestling Tournament, suspendido dulot ng COVID-19

Sports

Sumo-Wrestling Tournament, suspendido dulot ng COVID-19

Suspendido ang Sumo Wrestling Tournament, na nakatakda sa Marso 8-22, 2020 sa Japan sanhi ng pagkalat ng mapanganib na Coronavirus 2019 (COVID 19).

Ayon sa Japan Sumo Association, ginawa nila ang desisyong ito upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa Japan.

Nakabatay ang desisyon ng Sumo Association sa anunsyo ng International Tennis Federation na ’di na matutuloy ang laro ng Japan kontra Ecuador ngayong Marso 6.

Maging ang top fight ng football na J-Leage ay kinansela na rin ang lahat ng laro hanggang March 15.

Samantala, sa kabila ng outbreak ng COVID-19, tuloy na tuloy ang 2020 Tokyo Summer Olympics ngayong July 24 ayon sa anunsyo ng International Olympic Committee.

More in Sports

Latest News

To Top