Connect with us

Sunod-sunod na bomb threat sa email ng isang Takahiro Karasawa, itinuturing nang transnational crime – PNP

Sunod-sunod na bomb threat sa email ng isang Takahiro Karasawa, itinuturing nang transnational crime – PNP

National News

Sunod-sunod na bomb threat sa email ng isang Takahiro Karasawa, itinuturing nang transnational crime – PNP

Maliban sa Pilipinas marami pang bansa ang biktima rin ng email bomb threat ng isang Takahiro Karasawa.

Para sa Philippine National Police (PNP) maituturing na itong transnational crime dahil sa bantang dulot nito sa publiko at sa ibayong dagat.

Aminado ang PNP na malaking hamon sa kanila ang pagtugis sa sinumang nasa likod ng pagpapakalat ng bomb threat email gamit ang pangalang Takahiro Karasawa.

Kaugnay nito tiniyak ni PNP Public Information Office (PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, puspusan ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Anti Cybercrime Group (ACG) sa kanilang foreign counterpart hinggil dito.

Napag-alaman na maliban sa Pilipinas at Japan nagpakalat din ng kahalintulad na email ang gumagamit sa pangalan ni Karasawa sa South Korea at Taiwan.

Sa pulong ng kapulisan at Department of Information and Communications Technology (DICT) kasama ang iba pang law enforcement agencies lumalabas na totoong tao si Karasawa subalit na-hack ang kanyang email na siya ngayong ginagamit para maghasik ng takot sa mga mamamayan.

Ayon sa Pambansang Pulisya nito lamang Martes, ika-13 ng Pebrero, nakatanggap ang bansa ng aabot sa 80-90 bomb threats sa loob lamang ng 1 araw batay sa datos ng PNP-ACG.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top