Connect with us

Suplay ng isda ngayong holiday season, sapat – BFAR

Suplay ng isda ngayong holiday season, sapat – BFAR

National News

Suplay ng isda ngayong holiday season, sapat – BFAR

Hindi dapat mabahala ang publiko, ito ang binigyang-diin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa tanong kung mayroon bang sapat na supply ng  isda ngayong kapaskuhan.

Pagtitiyak ni BFAR Chief of Public Information Nazario Briguera na walang kakulang sa suplay ng mga isda sa bansa.

Ipinunto pa nito na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang hindi makulangan ng suplay lalo na ang mga imported isda.

Lalo na ngayon na ipinatupad ang closed fishing season, kaya naman gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ang suplay demand.

Sa usapin ng presyo, sinabi pa ni Briguera na kapag kakaunti ang suplay ng mga isda ay posibleng apektado rito ang presyo.

Mababatid na inanunsyo ng Department of Agriculture na ang Pilipinas ay mag-aangkat ng 25,000 metric tons ng isda para sa mga wet market.

Ito’y dahil sa closed fishing season na nagsimula ngayong Nobyembre 2022 – Enero 2023.

Kabilang sa mga isda na aangkatin sa ibang bansa ay ang isda gaya ng galunggong, hasa-hasa, moonfish at marami pang iba.

More in National News

Latest News

To Top