Connect with us

Suplay ng pagkain ngayong holiday season, sapat– DA

Suplay ng pagkain ngayong holiday season, sapat– DA

National News

Suplay ng pagkain ngayong holiday season, sapat– DA

Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng mga pangunahing pagkain ang bansa pagdating sa holiday season.

Ang tinutukoy ng DA ay ang bigas, at sibuyas maging ang karne ng baboy, manok, at baka.

Sinabi pa ni DA Sec. Arnel de Mesa, hindi lang sapat ang suplay, abot-kaya din ang magiging presyo nito.

Ang bigas ayon kay de Mesa, maganda ang suplay ng lokal at imported sa kabila ng pagkakaroon ng iba’t ibang kalamidad gaya ng mga bagyo at El Nino.

Sa kabilang banda, nananatiling nasa P50/kilo ang halaga ng locally-produced at imported rice sa ilang mga pampublikong pamilihan sa Metro Manila.

Ito’y kahit pa binabaan na ang import tariff sa bigas.

Naniniwala naman ang ahensya na ang posibleng dahilan nito ay ang pagkakaroon pa ng traders ng suplay ng bigas na nabili sa mataas na tariff rate.

Sa huli, ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., sa Oktubre pa mararamdaman ang epekto ng mababang presyo ng bigas dulot ng mababang taripa.

More in National News

Latest News

To Top