Connect with us

Suporta ng Israel sa AFP modernization program, pinasalamatan ng militar

Suporta ng Israel sa AFP modernization program, pinasalamatan ng militar

National News

Suporta ng Israel sa AFP modernization program, pinasalamatan ng militar

Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang patuloy na suporta ng Israel sa modernisasyon ng militar.

Ito ay kasunod ng pagbisita ni Brigadier General Efraim Defrin, Head of International Cooperation Division ng Israel Defense Forces sa AFP General Headquarters, Camp Aguinaldo, Quezon City.

Nakipagpulong si Defrin kina AFP Inspector General Lieutenant General William Gonzales at AFP Deputy Chief of Staff for Education, Training and Doctrine, J8 Brigadier General Noel Beleran.

Sa kanilang pulong, ipinaabot ni Gonzales ang pasasalamat ng militar sa suporta ng Israel sa AFP modernization program.

Sa kasalukuyan ay may 20 modernization projects ang AFP kasama ang Israel, 14 dito ay natapos na at nagkakahalaga ng P19-B.

Kabilang sa ongoing projects ng AFP ay ang light tank, armored personnel carrier, ground-based air defense system, at fast attack interdiction craft.

More in National News

Latest News

To Top