Connect with us

Suporta ni DILG Sec. Benhur Abalos sa war on drugs, morale booster – PNP 

Kasunod ng isinagawang media briefing ng bagong upong Interior Secretary Benhur Abalos, malugod na tinanggap ng Philippine National Police (PNP)

National News

Suporta ni DILG Sec. Benhur Abalos sa war on drugs, morale booster – PNP 

Kasunod ng isinagawang media briefing ng bagong upong Interior Secretary Benhur Abalos, malugod na tinanggap ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ng kalihim na makikiisa ito sa mga operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Alba, magsisilbing morale booster sa mga pulis ang pahayag ng kalihim.

Mahusay aniyang ipinapahayag ng kalihim ang pambansang polisiya upang mapanatili ang momentum ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Naniniwala rin si Alba na makakatulong ito sa legal na opensiba ng pulisya sa kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad.

Una nang tiniyak ni Abalos na pagtutuunan rin nito ng pansin ang matibay na pagsasampa ng kaso ng pulisya laban sa mga mahuhuling drug suspects upang hindi ito mabasura sa korte.

More in National News

Latest News

To Top