Connect with us

Suspek sa nangyaring Ayala Road rage, naaresto na ng mga pulis

Suspek sa nangyaring Ayala Road rage, naaresto na ng mga pulis

National News

Suspek sa nangyaring Ayala Road rage, naaresto na ng mga pulis

Nasa kamay na ng pulisya ang suspek na bumaril sa 1 driver habang binabagtas nito ang bahagi ng EDSA-Ayala tunnel sa Makati City, nitong Martes, ika-29 ng Mayo.

Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police(PNP) ang presentasyon sa naarestong suspek.

Batay sa pag-aaral ng pulisya, road rage ang dahilan ng pamamaril ng suspek na ikinasawi ng biktima.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), natukoy nila ang suspek at naaresto sa mismong bahay nito sa Pasig kung saan nakaparada ang ginamit nitong sasakyan kasunod ng ginawa nilang back tracking sa mga pangyayari.

Nakarekober rin ang PNP ng 1 taurus caliber 14 sa bahay ng suspek na ginamit sa pamamaril.

Nag-match umano ang bala sa basyo na nakuha sa loob ng sasakyan ng biktima matapos ang ginagawang ballistic test ng PNP.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong murder laban sa suspek.

More in National News

Latest News

To Top