Connect with us

Suspensyon ni Cong. Arnie Teves, nagtapos na; expulsion laban sa kaniya, malabo sa ngayon

Suspensyon ni Cong. Arnie Teves, nagtapos na; expulsion laban sa kaniya, malabo sa ngayon

National News

Suspensyon ni Cong. Arnie Teves, nagtapos na; expulsion laban sa kaniya, malabo sa ngayon

Opisyal nang nagtapos ang 60-day suspension ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves.

Kaya sa Monday session, kasama na sa roll call ang mambabatas na siyang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

“Tapos na yung suspension, even this a day it is been ano no in the role call nasama yung pangalan but then I know there is a marking there of absent I think. Kasama na siya to natatawag na yung pangalan niya sa role call during the calling of the role kaya lang absent pa rin,” ayon kay House Committee on Ethics and Privileges, Chairman, Rep. Felimon Espares.

At dahil wala pa rin sa bansa si Teves, aabsenan parin daw ito sa Kamara.

Kahit pa iginigiit ng kampo nito na pwedeng dumalo sa sesyon via teleconferencing.

“Sa case niya kasi diba deemed absent siya kasi hindi na authorized ang pag-stay niya sa outside. So kung absent ka, it is clear in our house rules na hindi ka pwedeng magparticipate sa lahat ng affairs dito sa house kasi your absent,” dagdag pa nito.

Matagal nang pinapauwi ng Kamara sa bansa si Teves para harapin ang pagkakadawit sa Degamo slay case.

Katunayan, February 28 – March 9 lamang ang pahintulot ng liderato kay Teves na mag-abroad.

Ngunit buhat nang madawit sa kaso ng pagpaslang kay Degamo, hindi pa nauwi ng bansa ang kongresista.

Mismong si House Speaker Martin Romualdez na ang nanawagan sa kanya na umuwi na kasabay ng pagtiyak ng kaniyang seguridad.

“His authority to travel to the United States is covered only by the period February 28 to March 9, 2023. Clearly, the TA [Travel Authority] of Rep. Teves has expired effective today. His travel outside the country beyond the period mentioned is no longer authorized by the House of Representatives,” ayon naman kay House Speaker Martin Romualdez.

Wala pang desisyon ngayon ang Ethics Committee sa kung ano ang gagawin kay Teves.

Pero ang malinaw ngayon, balik na siya sa status bilang regular congressman.

Mag-pupulong naman ang party leaders sa Miyerkules, May 24 para pag-usapan ito.

Lunes sa susunod na linggo, muling magko-convene ang ethics panel para dinggin ang isyu.

At sa pagkakataong iyon, bibigyan raw ng pagkakataon si Teves na ipaliwanag ang kaniyang panig.

“So again, we will be continuing our committee process dito. So we have scheduled again another committee hearing on the 29th of this month of May in order to hear and process the case being brought with this committee,” ani Rep. Felimon Espares.

Ayon naman kay House Secretary General Reggie Velasco, malabo sa ngayon ang anggulo ng expulsion laban kay Teves.

Batay raw kasi sa rules, posible ang pagpapatalsik sa isang sitting congressman kung may conviction ito sa isang kaso.

Sa sitwasyon kasi ngayon ni Teves, kaka-file lamang ng mga kaso laban sa kaniya.

May mga testigo na rin laban sa kongresista ang umatras at binawi ang kanilang mga salaysay.

Pero ani Velasco, malaking factor sa pagpapasya ng komite ang political asylum application ni Teves sa Timor Leste.

“I also inform the committee na we receive confirmation from our Department of Foreign Affairs that he applied for a political asylum for Timor-Leste. And the documents, one document was signed by the congressman himself. So Meron po talagang evidence ng political asylum, nag-apply siya sa Timor-Leste,” saad naman ni House Secretary General, Reggie Velasco.

More in National News

Latest News

To Top