Connect with us

Susunod na hakbang ni Mayor Sara, tiyak na makakaapekto sa kasalukuyang political landscape

Susunod na desisyon ni Mayor Sara, tiyak na makakaapekto sa kasalukuyang political landscape - PDP-LABAN

National News

Susunod na hakbang ni Mayor Sara, tiyak na makakaapekto sa kasalukuyang political landscape

Tiyak na maaapektuhan ang kasalukuyang takbo sa pulitika sa anumang desisyon na gagawin ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ang inihayag ni PDP-Laban president at Energy Sec. Alfonso Cusi.

Kaugnay ito sa desisyon ni Mayor Sara na bawiin ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-alkalde ng Davao City.

Kahapon ginawa ni Mayor Sara ang pagbawi ng COC kung saan ginawa nitong substitute ang nakababatang kapatid na si Sebastian ‘Baste’ Duterte.

Sa pahayag ni Cusi, aabangan ng PDP-Laban ang susunod na hakbang ni Mayor Sara lalo na ngayong posibleng magdesisyon ito na tatakbo sa national position.

Matatandaan na patuloy na lumalakas ang suporta at panawagan ng publiko kay Mayor Sara na tumakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan.

More in National News

Latest News

To Top