Connect with us

SUV na may plakang “7” para sa mga senador, tumakas habang tiniketan matapos dumaan sa EDSA busway – SAICT

SUV na may plakang "7" para sa mga senador, tumakas habang tiniketan matapos dumaan sa EDSA busway – SAICT

Metro News

SUV na may plakang “7” para sa mga senador, tumakas habang tiniketan matapos dumaan sa EDSA busway – SAICT

Sa unang araw ng balik trabaho matapos ang long holiday ay muling nagkasa ng operasyon ang Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) sa EDSA busway, araw ng Huwebes, ika-11 ng Abril.

Ito nga ay para manghuli ng mga pasaway na motorista na dumadaan sa EDSA bus lane kahit hindi sila awtorisado.

Unang target ng SAICT ay ang Ortigas Station ng EDSA busway kung saan wala silang nahuling motorista.

Pero, isang itim na SUV na may protocol plate number na “7” na gamit ng mga senador ang dumaan sa EDSA busway.

Dahil dito, agad siyang pinara ng mga tauhan ng SAICT upang kausapin at kunin ang drivers license.

Pero, habang ini-isyuhan ito ng tiket ay bigla na lamang nitong pinaharurot palayo ang minamanehong sasakyan at iniwan na ang kanyang lisensya.

Bukod sa itim na SUV, kabilang din sa mga pinara ng SAICT ay ilang government-owned vehicle ng Philippine National Police (PNP) na kahit wala naman silang nirerespondehan o operasyon.

Inamin ng mga pulis na ito na alam nilang bawal dumaan sa EDSA busway.

Yun nga lang daw.

“May hinahabol lang kami sa crame may pinapaayos. Alam niyo pong bawal sir? Opo, sorry po.”

“Bakit po kayo napadaan sa busway? May emergency sa crame, pero sir alam niyong bawal po? Yes,” ayon sa tiniketang pulis.

Maliban diyan, may 3 pang pribadong sasakyan na may logo ng pulisya at 1 naka-motor din ang natiketan.

Sinubukan silang kausapin ng media para kunan ng kanilang panig pero tumanggi sila.

Sinabi ng team leader ng SAICT na limitado lang talaga ang pinapayagang dumaan sa EDSA busway.

“Ano lang ang allowed sa mga PNP vehicle? Well yung may mga emergency lang, yung may mga operational lang na vehicle po,” ayon naman kay SAICT, Team Leader, Jean Claudio Fernandez.

Kuha naman sa videong ito ang pagharurot ng itim din na SUV na may plakang “8” na ginagamit na sasakyan ng isang congressman.

Alas 9:30 ng umaga ng Huwebes din ay pinara ng tauhan ng SAICT ito matapos dumaan sa EDSA bus lane sa Tramos sa Pasay City.

Ngunit, habang pinapara ito upang pahintuin ay agad itong tumakbo.

Hindi na nakuha pa ng mga taga-SAICT ang lisensya o pagkakakilanlan ng drayber at kung sinoman ang opisyal na posibleng sakay nito.

Ilan lamang ito sa mga nahuli at sinita ng mga awtoridad matapos magsipagdaan sa EDSA busway kahit pa bawal.

Sa inilabas naman na mensahe ng Department of Transportation (DOTr), siniguro nilang wala silang sasantuhin kahit opisyal pa ng pamahalaan.

Nakatakda nang maglabas ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) sa drayber ng SUV na may plakang 7.

“LTO will be issuing a Show Cause Order to the driver for several violations including disregard for traffic rules and unauthorized use of busway. Other busway violators today included a private vehicle whose driver identified himself as a policeman,” pahayag ng DOTr.

Ang MMDA naman ay tiniyak din na mas paiigtigin pa ang operasyon sa EDSA busway lalo’t tumaas ang bilang ng mga nahuhuling motorista.

Hindi rin nagkulang ang MMDA sa pagpapaalala sa mga motorista patungkol sa EDSA busway policy.

“May susumbok at susumbok kapag walang nakatingin.”

“Then again, may mga tao talagang sumusubok kaya kahit nagtaas tayo kapag wala silang nakita itra-itry yan,” ani Asec. David Angelo Vargas.

More in Metro News

Latest News

To Top