Connect with us

Sweden, nakapagtala na ng 396 na bilang ng nag-positibo sa COVID-19

Sweden, nakapagtala na ng 396 na bilang ng nag-positibo sa COVID-19

COVID-19 UPDATES

Sweden, nakapagtala na ng 396 na bilang ng nag-positibo sa COVID-19

Itinaas sa pinakataas na antas ng Public Health Authority ang mapanganib na pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Sweden.

Kasabay nito, tiniyak naman ng PHA na patuloy pa rin ang isinasagawa nilang contact tracing para sa lahat ng mga kaso.

396 tao na sa ngayon ang nahawaan sa Sweden ayon sa pinakahuling tala ng gobyerno.

Patuloy namang pinapatupad ang infection, prevention and control measures sa pinakataas na antas.

Ayon sa isang compilation, ang karamihan ng mga tao sa Sweden ay nahawaan sa kanilang pagbiyahe patungong Italya o nagkaroon ng direktang pakikipag-ugnayan sa mga taong nahawaan sa Italya, at ang iilan na mga kaso ay may koneksyon sa paglalakbay sa Iran.

Napag-alaman na konektado ang lahat sa paglalakbay kasama ang Italya at Austria ayon sa rehiyon ng Stockholm.

Sa kasalukuyan, mayroon nang paghahanda at mga plano para sa naturang paglaganap ng COVID-19 ayon kay Eva Melander, isang manggagamot ng infection control sa Region Skåne.

Hinihiling ng PHA sa publiko ng Sweden na iwasan ang mga hindi kinakailangang pagbisita sa mga ospital at mga tahanan ng matatanda dahil sa panganib na patuloy na lumaganap na impeksyon sa COVID-19.

Pinapayuhan din nila ang lahat ng mga tao na may mga sintomas na iwasan ang pakipagkita sa ibang tao hangga’t maari.

Sa ngayon ay wala pa namang naitala na namatay at patuloy pa rin ang lahat sa pagtatrabaho at patuloy ang pasok sa paaralan.

Ulat ni: Grace Trinidad

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top