National News
SY 2023-24 enrollees, bumaba ng 5-M – DepEd
Bumaba ng mahigit 5-M ang bilang ng nagpa-enroll na mga mag-aaral ngayong school year (SY) 2023-2024 kung ikukumpara sa nakalipas na taon.
Sa kasalukuyan ayon sa Department of Education (DepEd), nasa 22,917,725 ang naitalang enrollees mula sa public at private schools, state universities and colleges, local universities and colleges kasama na ang overseas na Philippine schools.
Kung ikukumpara noong nakaraang taon o sa SY 2022-2023 ay mayroong 28,035,042 na enrollees ang DepEd.
Sa tala, ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang may pinakamababa na enrollees ngayong taon.
Samantalang ang Calabarzon ang mayroong pinakamataas na enrollees ngayong taon at sinundan ng Region III.
Ang National Capital Region (CAR) naman ang pumapangatlo sa may pinakamataas na bilang ng enrollees.
