Connect with us

SY 2024-2025, magsisimula na sa Hulyo

SY 2024-2025, magsisimula na sa Hulyo

National News

SY 2024-2025, magsisimula na sa Hulyo

Magsisimula na sa July 29 ngayong taon at magtatapos sa April 15 sa susunod na taon ang magiging school year 2024-2025.

Aprubado na ito kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Saklaw nito ang lahat na pampublikong mga paaralan sa bansa at maaari rin itong sundin ng mga pribadong paaralan.

Mula dito ay sinabi na rin ng pangulo na walang magiging saturday classes gaya ng pinaplano sana ng Department of Education (DepEd) para makumpleto ang minimum 180 school days.

Kung mapapansin, mas maaga na ang aprubadong pagtatapos ng pasukan ni PBBM kumpara sa Department Order No. 003 na nilagdaan ni Pangalawang Pangulo at DepEd Sec. Sara Duterte noong Pebrero.

Nakasaad dito na magtatapos sana sa May 16 ang school year 2024-2025.

Samantala, ang kasalukuyang pasukan ay magtatapos sa May 31.

More in National News

Latest News

To Top