National News
Taga-Bohol, suportado ang kandidatong kayang ayusin ang bansa
Hindi na masikmura ng mga kababayan natin sa Bohol ang patuloy na kriminalidad, kawalan ng hustisya, paglaganap ng iligal na droga, at iba pang pasakit na araw-araw na nararanasan ng mga Pilipino.
Kaya naman kumbinsido sila na ngayong Mayo a-12, iboboto lamang nila ang kandidatong sigurado nilang makatutulong upang ayusin ang Pilipinas.
Ayon sa tagapagsalita ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang pananahimik ng mabubuting mamamayan ang siyang nagbubukas ng pinto sa pagtatagumpay ng kasamaan isang sentimyentong mariing sinasang-ayunan ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo.
Sa gitna ng sunod-sunod na insidente ng kidnapping at lumalalang seguridad sa bansa, nagiging mas matatag ang panawagan ng taumbayan para sa tunay na pagbabago.
Maging sa Bohol, ipinahayag ng ilang personalidad gaya nina Meldy Alturas, Nanay Antonieta Dandoy Bernales, at Gerry Carlos ang pagkadismaya sa kasalukuyang administrasyon at ang matibay na paniniwalang mas maayos ang peace and order noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaya naman sa pagbisita ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement sa Mabini, Bohol, mainit itong tinanggap ng mga residente, kasabay ng kanilang suporta sa PDP-Laban slate.
Sa darating na halalan, panawagan ng grupo na huwag lamang tumingin sa pangalan ng kandidato, kundi sa prinsipyo, track record, at tunay na malasakit sa bayan sapagkat ang isang boto ay kapangyarihang magtakda ng kinabukasan ng buong sambayanan.
